Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng 2026, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press briefing, iniulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa na lumago ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 2.8% mula Enero hanggang Marso 2026.
Mas mababa ito kumpara sa 3% growth sa huling quarter ng 2025 at 5.4% sa unang quarter ng 2025.
Ayon sa PSA, ito na ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya mula noong unang quarter ng 2021 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, kung saan naitala ang contraction sa ekonomiya.
