Good news para sa mga motorista, matapos ianunsyo ng Department of Energy ang malaking rollback sa presyo ng diesel at kerosene epektibo bukas.
Bababa ng ₱12.94 kada litro ang diesel, habang may rollback ding ₱15.71 kada litro sa kerosene. Samantala, tataas naman ng ₱0.53 kada litro ang gasolina.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng oil price rollback, kasunod ng pagluwag ng pressure sa pandaigdigang oil market dahil sa mga development sa Middle East.
Ayon sa DOE, inaasahang magbibigay-ginhawa ito sa mga motorista at sektor ng transportasyon.
