Pormal na kinilala ng Senado ang P-pop girl group na BINI matapos maitala sa kasaysayan bilang kauna-unahang Filipino act na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa California, USA.
Sa plenary session, binigyang-pugay ng mga senador ang grupo dahil sa kanilang world-class performances noong April 10 at 17.
Ayon kay Sen. Bam Aquino, patunay ang tagumpay ng BINI sa husay at galing ng mga Pilipino sa pandaigdigang entablado.
Mas tumatak din umano ang grupo nang gamitin nila ang sariling wika sa pagpapakilala bilang simbolo ng pagmamalaki sa pagiging Pilipino.
Kabilang sa kanilang setlist ang mga hit na “Pantropiko,” “Salamin-Salamin,” “Karera,” at “Shagidi.”
Giit pa ng mga mambabatas, ang BINI ay inspirasyon sa kabataang Pilipino at patunay na kayang makipagsabayan ng Pinoy talent sa buong mundo. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent
