Madriaga, Poa, dumalo sa pagdinig ng Kamara

Sa unang pagkakataon, inaasahan ng House Committee on Justice na direktang magbibigay ng pahayag si Ramil Madriaga sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa komite, mahalaga ang pagharap ni Madriaga para masuri ang kanyang affidavit kaugnay ng mga alegasyon hinggil sa umano’y paglipat at paggamit ng confidential funds mula 2022 hanggang 2023.

Dumating sa pagdinig si Madriaga, na inilarawan bilang self-confessed bagman, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Raymund Palad.

Kasama rin sa mga dumalo ang dating Chief of Staff ng Bise Presidente na si Atty. Michael Poa, na isinailalim sa subpoena ng komite noong March 25.

Maging ang kinatawan ng Office of the Ombudsman sa katauhan ni Assistant Ombudsman at spokesperson Mico Clavano ay dumalo rin sa pagdinig, at nilinaw na ang kanilang presensya ay bilang pagtugon lamang sa subpoena ng Kamara.

Ayon sa Ombudsman, patuloy pa rin nilang kinakalap ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente mula sa mga nakaraang taon.

Dumalo rin ang kinatawan ng National Bureau of Investigation sa katauhan ng director nito na si Melvin Matibag.

Layunin ng pagdinig na matukoy kung may sapat na batayan o probable cause ang mga impeachment complaints na inihain laban kay Duterte, kabilang ang mga alegasyon na may kinalaman sa umano’y iregularidad sa paggamit ng pondo. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *