Mga alegasyon ni Madriaga, tinawag na “pure fiction”

Tinawag na “pure fiction” ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyong ibinabato ni Ramil Madriaga, na nagpakilalang dating aide at umano’y bagman ng Bise Presidente.

Sa pahayag ni Atty. Salvador Paolo Panelo Jr., iginiit nitong mas lalo pang lumalakas ang depensa ng Bise Presidente habang lumalabas ang mga bagong paratang.

Kabilang sa tinukoy na alegasyon ni Madriaga ang umano’y secret term-sharing deal, planong pagpapatalsik kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at maging assassination plots, na mariing itinanggi ng kampo ni Duterte.

Ayon kay Panelo, handa silang isa-isang sagutin ang bawat akusasyon at patunayang walang basehan ang mga ito.

Dagdag pa niya, ang pagharap ni Madriaga sa House Justice Committee ay lalo lamang magpapakita umano ng kakulangan nito sa kredibilidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *