VP Sara, humiling ng travel authority para sa limang bansa

Kinumpirma ng Malacañang nitong Miyerkules na humiling si Vice President Sara Duterte ng pahintulot mula sa Office of the President upang bumiyahe sa limang bansa mula Abril 23 hanggang Mayo 15.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, kabilang sa mga bansang bibisitahin ng Bise Presidente ang Netherlands, South Korea, Belgium, Germany, at United Kingdom.

Kinumpirma rin ni Recto na naglabas na ng dokumento ang Office of the President na may petsang Abril 22 na nag-aapruba sa naturang kahilingan.

Batay sa dokumento, pinahihintulutan ang biyahe habang naka-leave of absence ang Bise Presidente at wala itong gagastusin mula sa pondo ng gobyerno.

Sa hiwalay na liham na may petsang April 23, sinabi naman ni Duterte na nagbago ang kanyang travel plans dahil sa umano’y kawalan ng katiyakan kung siya ay makakaalis sa bansa sa tamang oras, at iginiit na magsusumite siya ng bagong request at hiniling na maproseso ito nang mas maaga sa mga susunod na pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *