PCO, itinanggi ang late ang approval sa biyahe ni VP Duterte

Pinasinungalingan ng Presidential Communications Office (PCO) ang pahayag na last-minute ang pag-apruba sa travel authority ni Vice President Sara Duterte para sa kanyang planong biyahe sa ibat ibang bansa.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ipinapakita ng records na naghain ng request ang Bise noong April 14.

“Ang bise presidente, ayon naman po sa records, ay nakakatanggap po ng dokumento para sa travel authority nya, a day before her intended vacation, hindi naman po siya tinanggihan. Wala pa sa record na kapag siya ay nag-request ng pagbabakasyon o personal trip, na [may] mahabang araw or mahabang panahon, na siya’y tinaggihan”, ani Castro.

Iginiit din ng Palasyo na bilang isang public official, saklaw si Duterte ng transparency, at may mga impormasyong dapat malaman ng publiko.

Samantala, kinuwestiyon ng PCO ang desisyon ng Bise Presidente na kanselahin ang kanyang biyahe, at sinabing dapat linawin kung bakit nagbago ang kanyang plano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *