Philippine Army, pinabulaanan ang alegasyon sa Negros Occidental encounter

Pinabulaanan ng Philippine Army ang mga kumakalat na pahayag sa social media na nagsasabing mga sibilyan lamang ang nasawi sa engkwentro sa Toboso, Negros Occidental.

Sa isang pahayag, sinabi ng Army na dapat suriing mabuti ang mga alegasyon na ang mga napatay ay pawang researchers, mamamahayag, estudyante, at social workers.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Army na si Col. Louie Dema-ala, mahalagang tanungin kung bakit naroon umano ang mga nasawi sa mismong lugar ng engkwentro, armado, at nakikipagbarilan sa mga sundalo.

Iginiit ng Army na sumusunod ang kanilang mga tropa sa International Humanitarian Law at iginagalang ang karapatang pantao sa kanilang operasyon.

Binigyang-diin din na ang mga paratang ng human rights violations ay dapat dumaan sa tamang imbestigasyon at hindi dapat husgahan batay lamang sa kumalat na impormasyon sa social media. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *