VP Duterte, iginiit na malinis ang kanyang service record

Mariing itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya at iginiit na malinis ang kanyang service record at pinanggalingan ng yaman.

Sa pahayag, sinabi ng Bise Presidente na paulit-ulit lamang umano ang mga paratang ni dating senador Antonio Trillanes IV at walang nabago sa mga ito sa nakalipas na mga taon.

Inakusahan din niya ang ilang opisyal ng pamahalaan at institusyon ng paggamit umano sa isyu para sa pamumulitika, kasabay ng pagbanggit sa umano’y timing ng mga alegasyon matapos siyang umalis sa Gabinete.

Ayon kay Duterte, lahat ng kanyang ari-arian ay idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at mula umano sa lehitimong pinanggalingan at may dokumento.

Binatikos din niya ang kasalukuyang administrasyon sa iba’t ibang isyu kabilang ang umano’y kakulangan ng aksyon sa mahahalagang suliranin tulad ng pagtaas ng presyo ng bilihin at kahirapan.

Sa kabila nito, nanawagan ang Bise Presidente sa publiko na huwag magpalinlang sa ingay ng impeachment at tutukan ang mas malalaking isyung kinahaharap ng bansa. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *