Alex Eala, pasok sa round of 64 ng Madrid open

Pasok na sa Round of 64 ng Mutua Madrid Open ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos ang impresibong panalo sa kanyang opening match.

Tinalo ni Eala ang Russian veteran na si Anastasia Pavlyuchenkova sa straight sets na 6-3, 6-3, para makuha ang unang panalo niya sa torneo.

Dahil sa panalong ito, tuloy ang kampanya ni Eala sa clay court season at inaasahang mas malaking hamon pa ang kanyang haharapin sa susunod na round ng WTA 1000 tournament sa Madrid.

Sa susunod na round, makakalaban ni Eala ang world No. 19 na si Elise Mertens ng Belgium, na kilala sa consistent at agresibong laro sa WTA circuit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *