PBBM, iginiit na siya ay nasa maayos na kondisyon

Mariing pinabulaanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanyang kalusugan, kasabay ng pagpapakita ng pisikal na aktibidad sa harap ng media upang patunayang siya ay nasa maayos na kondisyon.

Bago ang kanyang pahayag, nagsagawa ang Pangulo ng ilang ehersisyo tulad ng jumping jacks at kalaunan ay naglakad at tumakbo mula New Executive Building patungong Malacañang Palace.

Ayon sa Pangulo, pawang kasinungalingan lamang ang mga kumakalat na impormasyon tungkol sa kanyang kalusugan at hinamon pa niya ang mga nagpapakalat nito na subukang sumabay sa kanya na mag-ehersisyo.

Iginiit din ni Marcos na siya ay nasa “very, very good health,” batay sa kanyang mga kamakailang medical check-up kabilang ang blood test at CT scan na nagpakitang maayos ang kanyang kondisyon.

Dagdag pa niya, tuluyan nang gumaling ang dati niyang kondisyon na diverticulitis at kasalukuyan lamang siyang umiinom ng maintenance medication para sa gout at hypertension.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *