Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang online media network personality na si Franco Mabanta matapos umano’y tangkang pangingikil sa isang opisyal ng gobyerno.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, isinagawa ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek.
Sinabi ng NBI na umano’y nagpakilalang may hawak si Mabanta ng mga video na magdidiin kay Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez sa flood control scandal. Umano’y humingi ito ng ₱350 milyon kay Romualdez kapalit ng hindi paglalabas ng naturang mga video sa isang media network.
Naaresto ang suspek matapos umanong tumanggap ng ₱300 milyon na marked money.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang kampo ni Romualdez kaugnay ng insidente.
