Luzon Grid, isinailalim sa Yellow at Red Alert ngayong May 14

Isinailalim ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon Grid sa Yellow Alert at Red Alert ngayong Mayo 14, 2026, dahil sa kakulangan ng operating reserves, ayon sa anunsyo ng Manila Electric Company.

Batay sa advisory, ipatutupad ang Yellow Alert mula 3:01 PM hanggang 4:00 PM at mula 10:01 PM hanggang 11:00 PM, habang ang Red Alert ay ipatutupad naman mula 4:01 PM hanggang 10:00 PM.

Sa ilalim ng Red Alert, inaasahan ang mas mahigpit na hakbang tulad ng rotational brownouts upang maiwasan ang tuluyang pagkaputol ng suplay ng kuryente sa buong grid.

Pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente, lalo na sa peak hours, habang patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon sa power supply ng Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *