Lumiliit ang agwat: Duterte vs. Robredo sa 2028 Presidential Preferences

Lumiliit ang agwat sa pagitan nina Vice President Sara Duterte at Naga City Mayor Leni Robredo sa maagang survey para sa 2028 presidential race.

Batay sa pinakahuling “Tugon ng Masa survey” ng OCTA Research na isinagawa mula March 19 hanggang 25, 2026, nangunguna pa rin si Duterte na may 33%, pero mas mababa ito kumpara sa kanyang 38% mark noong nakaraang quarter.

Samantala, kapansin-pansin ang pag-angat ni Robredo na pumalo sa 21% mula sa dating 8% noong ikaapat na quarter ng 2025. Labintatlong puntos ang kanyang itinaas, na pinakamalaking pagtaas sa lahat ng potensyal na kandidato.

Dahil dito, lumiit ang lamang ni Duterte kay Robredo mula 30 porsyento noong huling bahagi ng 2025, patungong 12% na lamang sa kasalukuyan.

Pumapangatlo si Manila Mayor Isko Moreno na may 10% , sinundan ni Senator Raffy Tulfo, habang pang lima si Senator Bam Aquino.

Ayon pa sa OCTA, 2% ng mga respondent ang nananatiling undecided, habang 1% ang tumangging sumagot.

May kabuuang 20% naman ang napunta sa iba pang personalidad, palatandaan na hati-hati pa ang suporta sa labas ng nangungunang limang pangalan.

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondent na may edad 18 pataas. | via Judea Bernardo, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *