Hinamon ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro, Jr., ang China matapos akusahan ang Pilipinas na nagdudumi sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Sa video na inilabas ng Chinese Embassy, ipinakita ang umano’y pagtatapon ng basura ng mga sundalong nananalagi sa BRP Sierra Madre.
Bukod sa mga sundalo, may inilabas din na video ang embahada na nagpapakita ng isang barko ng Philippine Coast Guard na nagtatapon ng barrel shaped objects.
Ayon kay Teodoro, magaling lang mag akusa ang china at hindi nito kayang patunayan ang kanilang mga ibinibintang.
“Kung may accusation sila, pruwebahan nila. Lahat ng accusation nila e ayaw nilang pruwebahan, I really dont know what video they are pushing, i mean sino ba mahilig mag fake, sino bang mahilig kumupya.”
Kasunod nito, binweltahan din ng kalihim ang pambabatikos ng China sa nagpapatuloy na BALIKATAN Exercise na hindi Pilipinas ang naglalaro ng apoy, kundi sila.
Aniya “Sino ba ang pinakamalaking magpagawa ng paputok dito sa buong mundo kung hindi sila, hindi ba sa kanila inimbento yung fireworks tapos sasabihin playong with fire tayo. Ano sila hilo.” | via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
