Sumugod ang iba’t ibang grupo ngayong umaga, April 24, 2026, sa tanggapan ng Armed Forces of the Philippines para kundenahin ang pagkamatay ng 19 katao sa naganap na engkwentro sa Negros Occidental na tinawag nilang Toboso Massacre.
Bitbit ang mga plakard, sigaw ng mga ito ang hustisya sa mga namatay sa ilalim ng rehimeng Marcos kabilang na ang 1 student leader ng University of the PhilipÂpines Diliman na si Alyssa Alano.
Iginiit din ng mga raliyista na ibasura na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, at ireporma ang paggalang sa karapatang pantao.
Kabilang sa mga grupong lumahok ang BAYAN, Karapatan, Amihan, Anakpawis, Gabriela at iba pa.
Matatandaan na binigyang diin ng AFP na ang operasyon kontra sa mga rebelde sa Negros Occidental ay lehitimo at pag kwestyon ni Defense Sec. Gilberto Teodoro, Jr. kung bakit nasa balwarte ng mga NPA Rebels sila Alano at bakit humahawak ang mga ito ng mga armas kasama ang red fighter ng komunistang kilusan. I via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
