Lumabag sa safer cities initiative, umabot na sa 150,000 — PNP

Tuloy tuloy ang pagsasagawa ng oplan galugad ng pulisya sa mga lungsod kasunod ng umiiral na safer cities initiative ng Department of Interior and Local Government sa metro manila.

Sa tala ng Philippine National Police, mula Abril 6 hanggang April 23, mayroon nang 149,769 na katao ang lumabag sa ibat ibang ordinansa.

Paglabag pa rin sa pag inom ng alak at paninigarilyo ang nangungang paglabag, sumunod ang mga menor de edad na lumalabag sa curfew hours.

Ayon kay PNP Spokesman, Brig. Gen. Randulf Tuaño, maganda ang resulta ng pinaigting na pagpapatupad ng safer cities initiative dahil nagiging masigasig ang mga pulis sa pagpapatupad ng batas at kaayusan sa mga komunidad.

Dagdag pa nito, bunga rin ng pinaigting na pagpapatupad ng mga ordinansa ang pagbaba sa kaso ng crime against persons kasama rito ang homicide, physical injuries, rape at murder. I via Allen Ibañez, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *