Japan, nagpadala ng disaster experts para tumulong sa sunog sa Navotas landfill

Nagpadala ang pamahalaan ng Japan ng anim na eksperto sa disaster relief upang tumulong sa response efforts sa Navotas landfill, matapos ang malawakang sunog noong April 10.

Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), isinagawa ang deployment matapos ang pormal na kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas sa ilalim ng Japan Disaster Relief operations.

Dumating sa Maynila kahapon, Huwebes ang team na magsasagawa ng technical assessment at magbibigay ng gabay sa mga lokal na awtoridad sa lugar.

Tinatayang apatnapung ektarya ang naapektuhan ng sunog na may posibleng epekto sa kalusugan ng mga residente sa Navotas at kalapit na lugar tulad ng Obando, Bulacan.

Patuloy ang koordinasyon ng Japan at Pilipinas upang mapalakas ang pagtugon sa insidente at matulungan ang mga apektadong komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *