Kampo ni Romualdez at PGMN, nag-iringan sa extortion case

Iginiit ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na binabaluktot umano ng Peanut Gallery Media Network (PGMN) ang isyu kaugnay ng pagkakaaresto kay Franco Mabanta at apat pang indibidwal dahil sa alegasyong extortion.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), inaresto ang grupo matapos umanong tangkaing mangikil ng ₱300 milyon mula kay Romualdez kapalit ng hindi paglalabas ng content na mag-uugnay sa kanya sa flood control anomalies.

Mariin itong itinanggi ng PGMN at sinabing isa umano itong “setup,” at iginiit na bahagi ito ng isyu ng malayang pamamahayag.

Ayon sa kampo ni Romualdez, hindi isyu ang journalism kundi ang umano’y pangingikil kapalit ng katahimikan.

Samantala, sinabi ng abogado ni Mabanta na nasa maayos na kondisyon ang kanilang mga kliyente sa kabila ng pagod habang nakakulong sa NBI detention facility sa Muntinlupa.

Tinatahak na rin umano ang paghahanda para sa posibleng paglagak ng piyansa ngayong Biyernes, habang iginiit ng depensa na walang naganap na extortion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *