Pansamantalang isinara ng Government Service Insurance System ang kanilang main office sa Pasay City at nagpatupad ng work-from-home arrangement matapos ang gunfire incident sa Senado.
Ayon sa GSIS, ipinatupad ang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado, miyembro, pensioners, at visitors. Wala ring tinanggap na physical transactions sa kanilang Pasay office ngayong araw.
Dahil dito, pinayuhan ang mga kliyente na gamitin ang GSIS TOUCH mobile app para sa kanilang transaksyon, habang ang over-the-counter services ay inilipat muna sa GSIS Quezon City branch sa Diliman.
Ang GSIS main office ay katabi lamang ng Senate complex, na kasalukuyang sentro ng mas mahigpit na seguridad kasunod ng mga insidente at tensyon sa loob at paligid ng lugar.
