Asahan ang panibagong bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo, batay sa unang tatlong araw ng trading ngayong linggo, bagama’t inaasahang mas maliit kumpara sa mga nakalipas na rollback.
Ayon sa monitoring, nasa pababang trend pa rin ang presyo ng diesel, gasolina, at kerosene mula Abril 20 hanggang 22, 2026, kung saan tinatayang nasa ₱10 kada litro ang bawas sa diesel, ₱1 sa gasolina, at ₱10.90 sa kerosene.
Gayunman, posible pang magbago ang final price movement dahil may dalawang araw pa ng trading at hindi pa kasama ang risk premium costs.
Ayon kay Jetti Petroleum President Leo Bellas, tiyak pa rin ang rollback sa diesel sa susunod na linggo, ngunit maaaring mas maliit kumpara sa mga nakaraang linggo, habang posibleng halos walang galaw o bahagyang bawas lamang sa gasolina. | Joana Luna, D8TV News
