PBBM, tiniyak ang pag-uwi ni Zaldy Co sa Pilipinas

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibabalik sa Pilipinas si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad sa Czech Republic.

Magpapadala rin ang gobyerno ng high-level team upang tutukan ang proseso ng kanyang pagbabalik sa bansa.

Nahaharap si Co sa mga kasong graft at malversation kaugnay ng umano’y iregularidad sa ₱289 milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.

Iginiit ng Pangulo na kinakailangang sundin ang mga legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa, kaya’t maaaring tumagal ang proseso.

Nauna nang itinanggi ni Co ang mga paratang laban sa kanya. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *