ICC ruling sa kaso ni FPRRD, inaasahan ngayong araw

Ilalabas ng Appeals Chamber ng International Criminal Court o ICC ang desisyon nito sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng hurisdiksyon ng korte sa kanyang kaso.

Nakatakdang ihayag ang desisyon ngayong April 22, alas-singko ng hapon, oras sa Pilipinas, at mapapanood nang live sa official website ng ICC.

Ang apela ay inihain matapos ibasura ng Pre-Trial Chamber noong Oktubre 2025 ang pagtutol ng depensa sa hurisdiksyon ng ICC sa kaso.

Si Duterte ay pinaghihinalaang sangkot sa crimes against humanity, kabilang ang murder at attempted murder, kaugnay ng kampanya kontra droga mula 2011 hanggang 2019.

Binubuo ang Appeals Chamber ng limang hukom na siyang magdedesisyon sa naturang apela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *