Mas matinding tagtuyot posibleng maranasan —PAGASA

Nagtaas na ng El Niño alert ang PAGASA matapos lumaki ang posibilidad na mabuo ang climate phenomenon sa mga susunod na buwan.

Ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando, nasa 79% na ang tsansa na mabuo ang El Niño sa panahon ng Hunyo hanggang Agosto.

Mula sa dating “watch,” itinaas ang status sa “alert” dahil mas pabor na ang kondisyon para sa pagbuo nito sa loob ng susunod na dalawa hanggang tatlong buwan.

Babala ng PAGASA, maaaring magdulot ang El Niño ng below-normal rainfall sa ilang bahagi ng bansa, na posibleng makaapekto sa suplay ng tubig, agrikultura, enerhiya, at kabuhayan ng publiko.

Karaniwang dulot nito ang mas tuyong panahon, kabilang ang dry spells at tagtuyot.

Ayon pa sa PAGASA, nagsimula na ang patuloy na pag-init ng karagatan sa equatorial Pacific, na indikasyon ng paparating na El Niño.

Maaaring magsimula ito bilang mahina ngunit posibleng lumakas hanggang moderate o strong, at tumagal hanggang unang bahagi ng 2027.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *