Inaprubahan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang pagtaas ng passenger fuel surcharge para sa mga biyahe sa eroplano mula Level 8 patungong Level 19 mula April 16 hanggang 30.
Sa ilalim ng Level 19, ang fuel surcharge para sa domestic flights ay maglalaro mula P627 hanggang P1,834.
Samantala, para sa international flights, maaari itong umabot mula mahigit P2,000 hanggang higit P15,000 depende sa destinasyon.
Ayon sa mga ulat, tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos ang pinakabagong pag-atake ng Estados Unidos sa isang Iranian vessel, na nakaapekto sa usapang pangkapayapaan sa rehiyon.
Bunsod nito, umakyat ng halos 5% ang presyo ng Brent crude oil at pumalo sa humigit-kumulang $95 kada bariles.
