5 POI, iniimbestigahan sa umano’y pag-uudyok ng kaguluhan sa Senado

Iniimbestigahan ng Department of Information and Communications Technology ang limang persons of interest na umano’y sangkot sa mga online posts na naghihikayat ng pagpunta sa Senado at posibleng kaguluhan.

Ayon kay DICT Sec. Henry Aguda, na-refer na sa mga law enforcement agency ang mga naturang indibidwal para sa mas malalim na imbestigasyon.

Nilinaw ng DICT na walang aktwal na cyberattack na naganap, kundi mga post lamang sa social media na umano’y nag-uudyok ng hindi kanais-nais na kilos at paglabag sa kapayapaan.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa mga social media platform tulad ng Meta at TikTok upang ma-monitor at ma-address ang mga naturang content, at sinabing patuloy nilang iniipon ang ebidensya para sa posibleng kaso.

Giit ng DICT, mahigpit na ipinagbabawal ang online content na nag-uudyok ng karahasan o kaguluhan, habang nananawagan sa publiko na manatiling kalmado, iwasan ang misinformation, at maging mapanuri sa mga impormasyong nakikita sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *