Manggagawang Pilipino, kinilala ngayong Labor Day

Nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga manggagawang Pilipino ngayong Labor Day, kinilala ang kanilang ambag sa ekonomiya sa gitna ng pagbabago sa teknolohiya at industriya.

Sa kanyang mensahe, tinawag ng Pangulo ang mga manggagawa bilang “backbone of the Republic” at binigyang-diin ang kanilang mahalagang papel sa pagpapatakbo ng bansa.

Iginiit din niya ang pangako ng pamahalaan na lumikha ng mas maraming trabaho at palakasin ang proteksyon sa mga manggagawa.

Dagdag pa ng Pangulo, patuloy ang pagsisikap ng administrasyon na tiyakin na may sapat na oportunidad at patas na benepisyo ang mga manggagawa sa gitna ng umiiral na hamong pang-ekonomiya.

Samantala, muling iginiit ni Marcos na nananatiling sentro ng kanyang agenda ang kapakanan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa mas matatag at makatarungang “Bagong Pilipinas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *