Pagtalima sa due process sa impeachment proceedings, ipinaalala

Nanawagan ang Malacañang ng pagiging patas at pagtalima sa due process sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte, kasabay ng paggiit na hindi makikialam ang ehekutibo sa mga desisyon ng Senado.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, iginagalang ng administrasyon ang kalayaan ng lehislatura kasunod ng pagbabago ng liderato sa Senado.

Iginiit din ng Malacañang na nasa kapangyarihan ng Senado ang magiging takbo ng impeachment trial at anumang desisyon kaugnay nito.

Kasabay nito, nanawagan ang Palasyo na maging patas ang mga senador na huhusga sa kaso at hayaan ang ebidensya ang manaig sa proseso.

Ang pahayag ay kasunod ng impeachment ng Kamara laban kay Duterte sa ikalawang pagkakataon sa gitna ng mga paratang ng graft and corruption, betrayal of public trust, at iba pang mabibigat na alegasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *