PBBM, hindi pa nagbibigay ng go signal sa ICC rejoining

Nilinaw ng Malacañang na hindi pa isinasaalang-alang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang muling pagsali ng Pilipinas sa International Criminal Court, ngunit hindi rin umano isinasara ang posibilidad na pag-aralan ito sa hinaharap.

Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nananatili ang posisyon ng Pangulo na hindi muna babalik ang bansa sa ICC matapos umatras noong 2019 sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Gayunman, maaari pa rin umano itong talakayin sa mga susunod na panahon kung kinakailangan.

Binigyang-diin din ng Palasyo na patuloy na umiiral ang Republic Act 9851 na nagbibigay ng mekanismo para sa pagharap sa mga kasong may kinalaman sa international humanitarian law at crimes against humanity.

Kasabay nito, iginiit ng Malacañang na sinusunod ng lahat ng law enforcement agencies ang umiiral na batas sa pagpapatupad ng kanilang mandato.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *