2028 polls, tiyak na matutuloy —COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na tuloy ang 2028 national and local elections sa bansa dahil ito ay mandato ng Saligang Batas.

Sa panayam ng D8TV News kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, hindi simpleng batas ang ipinatutupad sa halalan kundi ang mismong Konstitusyon, kaya’t hindi ito maaaring mabalam o mapigilan.

Giit ng Comelec, patuloy ang paghahanda para sa 2028 elections.

Una nang sinabi ni Comelec Chairperson George Garcia na nasa 50% hanggang 60% na ng preparasyon ang ahensya para sa darating na halalan.

Ang pahayag ay kasunod ng naging pagdududa ni Vice President Sara Duterte kung matutuloy ang 2028 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *