Robredo, hindi tatakbo sa national post sa 2028

Tiniyak ni Naga City Mayor Leni Robredo na hindi na siya tatakbo sa anumang pambansang posisyon sa 2028 elections, at sa halip ay magpapatuloy sa kanyang tungkulin bilang alkalde ng Naga City.

Sa isang panayam, sinabi ni Robredo na marami pa silang proyektong kailangang tapusin sa lungsod, kaya plano niyang muling tumakbo bilang mayor para sa ikalawang termino.

Ayon sa kanya, hindi sapat ang tatlong taon upang ganap na maisakatuparan ang lahat ng kanilang mga plano para sa Naga.

Dagdag pa niya, kahit may mga panawagan na tumakbo siya sa mas mataas na posisyon, mas pinipili niyang tutukan muna ang kasalukuyang trabaho sa lokal na pamahalaan.

Si Robredo ay nagsilbing ika-14 na Pangalawang Pangulo ng bansa mula 2016 hanggang 2022. Noong 2025, nanalo siya bilang kauna-unahang babaeng alkalde ng Naga City sa isang landslide victory.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *