Lumagda sa isang memorandum of agreement ang Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) at National Bureau of Investigation (NBI) upang palakasin ang proteksyon at seguridad ng mga mamamahayag sa bansa.
Layunin ng kasunduan na paigtingin ang koordinasyon, intelligence sharing, at imbestigasyon sa mga kaso ng harassment, pagbabanta, at pagpatay sa mga media worker.
Ayon sa PTFOMS, bahagi rin ng partnership ang pagtitiyak ng mas mabilis na case buildup at mga hakbang para maprotektahan ang kaligtasan ng mga journalist sa kanilang trabaho.
Iginiit din ng ahensya ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa freedom of the press at paglaban sa disinformation at red-tagging na nakakaapekto sa mga mamamahayag.
