3 Pinoy seafarers nasa ICU matapos ang drone attack sa Strait of Hormuz

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na pitong Filipino seafarers ang nasugatan matapos tamaan ng Iranian drone ang container ship na CMA CGM San Antonio habang dumaraan sa Strait of Hormuz noong Martes.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, tatlo sa mga sugatan ang nasa intensive care unit at nasa mas seryosong kondisyon dahil sa tinamong paso at paglanghap ng usok mula sa pagsabog sa barko.

Sinabi ng DMW na patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng mga Pinoy crew habang libo-libong Filipino seafarers pa ang nasa Persian Gulf at inaasahang daraan pa sa Strait of Hormuz.

Samantala, mahigit 1,300 Filipino seafarers na ang ligtas na nakalabas sa naturang ruta sa gitna ng patuloy na tensyon sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *