VP Sara, hindi nababahala na mapatalsik sa puwesto

Hindi nababahala si Vice President Sara Duterte sa posibilidad na mapatalsik sa puwesto sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment efforts laban sa kanya.

Ayon kay Duterte, maaari pa rin siyang makatulong sa mga Pilipino kahit wala na sa gobyerno.

Ayon sa bise presidente, handa siya anumang maging resulta ng impeachment proceeding kasabay ng pagkuwestiyon kung tunay umanong pananagutan ang layunin ng impeachment, o isang pagtatangka lamang na alisin ang isang opisyal na hindi sang-ayon sa administrasyon.

Iginiit din ni Duterte na hindi siya kilala bilang vindictive o mapaghiganti sa politika batay umano sa kaniyang karanasan sa Davao.

Bukod dito, binatikos din niya ang umano’y maling prayoridad ng pamahalaan habang maraming Pilipino ang hirap sa mataas na presyo ng bilihin at kahirapan.

Pinasinungalingan din ng bise presidente ang kumakalat na alegasyong naghagis umano siya ng laptop sa isang staff member.

Ayon pa sa kanya, bahagi lamang umano ito ng mga pagtatangkang palabasing siya’y unstable, incompetent, o corrupt.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *