Makukulay at detalyadong kasuotan, bumida sa Miss Universe – PH 2026

Pinangalanan na ang Top 6 entries para sa National Costume competition ng Miss Universe Philippines 2026 matapos ang isang makulay na showcase ng kultura, creativity, at craftsmanship ng bawat kandidata.

Kabilang sa mga napili ang mga kandidata mula sa Baguio City, Pampanga, Tacloban City, Iloilo Province, Negros Occidental, at Pangasinan.

Ipinakita ng bawat isa ang kanilang makukulay at detalyadong kasuotan na hango sa lokal na kultura, kasaysayan, at identidad ng kani-kanilang lugar.

Ayon sa Miss Universe Philippines organization, layunin ng segment na ipagdiwang ang “Filipino storytelling through fashion” habang papalapit na ang coronation night sa May 2, 2026.

Isang patunay na patuloy na nangingibabaw ang galing at pagkamalikhain ng mga Pilipina sa world-class pageant stage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *