PBBM, itinangging may utos na arestuhin si Sen. Bato

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang state security forces na sangkot sa insidenteng pamamaril sa loob ng Senate complex at walang utos mula sa gobyerno na arestuhin si Sen. Ronald dela Rosa.

Sa isang recorded statement, sinabi ng Pangulo na personal niyang minonitor ang sitwasyon sa loob ng mahigit dalawang oras at agad nakipag-ugnayan sa mga law enforcement agency upang alamin ang nangyari.

Ayon kay Marcos, tinawagan niya ang mga opisyal upang kumpirmahin kung may armadong tauhan ng NBI na pumasok sa Senado. Aniya, walang inilabas na utos para rito.

Iginiit din ng Pangulo na ang mga unipormadong tauhang nakita sa loob ng Senate complex ay regular na security personnel, pulis na naka-assign sa Senado, at mga miyembro ng Office of the Sergeant-at-Arms.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *