Welcome para kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang utos ng Office of the Ombudsman na magsagawa ng lifestyle check sa 26 na umano’y mga contractors.
Ayon kay Lacson, mahalaga ang hakbang upang makalap ng ebidensya laban sa mga posibleng sangkot sa katiwalian, batay sa pagsusuri ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Naalala rin ng senador ang mga naunang alegasyon ng “ghost projects” sa Bulacan na umano’y umabot sa bilyon-bilyong piso.
Batay sa mga testimonya ng ilang dating opisyal ng DPWH, kabilang sina Henry Alcantara at Roberto Bernardo, tinatayang aabot sa ₱35 bilyon ang mga proyektong naugnay sa Bulacan mula 2022 hanggang 2025, at posibleng umabot pa sa ibang probinsya tulad ng Tarlac. | via Ghazi Sarip, D8TV Correspondent
