Kampo ni Sen. Bato, maghahain ng writ of amparo sa SC

Nakatakdang maghain ng petition for writ of amparo sa Korte Suprema ang kampo ni Senador Ronald dela Rosa ngayong Martes, ayon sa kanyang legal counsel na si Atty. Jimmy Bondoc.

Ayon kay Bondoc, naghahanda rin ang kampo na maghain ng writ of habeas corpus sakaling mapunta sa kustodiya ng International Criminal Court si dela Rosa.

Kinuwestiyon din ng abogado ang umano’y kumakalat na kopya ng ICC arrest warrant at iginiit na dapat itong masusing beripikahin.

Sinabi rin ni Bondoc na pinayuhan niya si dela Rosa na manatili muna sa Senado bilang bahagi umano ng pagprotekta sa soberanya ng bansa at hindi upang umiwas sa pananagutan.

Ayon pa sa abogado, maayos naman umano ang kalagayan ng senador at nakakapag-usap at nakakakain na ito nang maayos, habang hinihintay ng kampo ang susunod na legal na hakbang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *