Umabot sa 7.2% ang inflation rate noong Abril 2026, ang pinakamataas sa loob ng tatlong taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Mas mataas ito kumpara sa 4.1% noong Marso at 1.4% noong Abril 2025.
Ayon sa PSA, pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang mabilis na pagmahal ng pagkain, transportasyon, at kuryente.
Pinakamalaki ang ambag ng Food and Non-Alcoholic Beverages na may 6% inflation, kasabay ng pagtaas ng presyo ng bigas, isda, gulay, at iba pang pangunahing bilihin.
Malaki rin ang itinaas ng Transport index na umabot sa 21.4%, habang tumaas din ang gastos sa kuryente, tubig, at gasolina.
Ayon sa economic managers, dulot ito ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa tensyon sa Middle East.
