Impeachment complaint vs VP Sara, pormal nang isinumite sa Senado

Pormal nang isinumite ng Kamara de Representantes sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara Duterte nitong Miyerkules ng gabi, na nagbubukas sa susunod na yugto ng proseso ng impeachment at posibleng paglilitis sa Senado.

Inaprubahan ang impeachment complaint sa botong 257 pabor, 25 tutol, at siyam ang nag-abstain bago ito opisyal na ipinadala alas-7:22 ng gabi sa Senado.

Ipinaliwanag ni House Sec. Gen. Cheloy Velicaria-Garafil na inuna ng House Secretariat ang masusing beripikasyon, pag-aayos at pagkumpleto ng libo-libong pahina ng mga dokumento bago ang transmittal.

Nakasaad sa reklamo ang mga alegasyon laban sa Bise Presidente kabilang ang umano’y maling paggamit ng confidential funds, paglabag sa Konstitusyon, betrayal of public trust, graft and corruption, at iba pang impeachable offenses.

Sa ilalim ng Konstitusyon, inaasahang kikilos na ang Senado bilang impeachment court upang dinggin ang kaso laban sa Bise Presidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *