Hukom sa Pasay RTC, nag-sorry

Humingi ng paumanhin ang isang hukom ng Pasay City Regional Trial Court sa dating broadcaster na si Jay Sonza matapos umanong maaresto ito nang walang sapat na due process.

Ayon sa abogado ni Sonza na si Atty. Mark Tolentino, personal na tumayo ang hukom sa pagdinig upang aminin ang pagkakamali ng korte na nagresulta sa pagkakakulong ni Sonza ng ilang araw kahit hindi pa ito nahahatulan.

Lumabas na nagkaroon ng error sa warrant of arrest kung saan maling nakasaad na “non-bailable” ang kaso, gayong ito ay dapat bailable offense lamang.

Sa kabila ng insidente, sinabi ng kampo ni Sonza na hindi sila magsasampa ng kaso laban sa korte.

Samantala, nakalaya na si Sonza matapos maproseso ang kanyang piyansang ₱10,000 at mailabas ang release order.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *