Housing loan moratorium dahil sa energy crisis, ipinatupad

Nagpatupad ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng mga financial relief program, kabilang ang tatlong buwang moratorium sa housing loan payments, para matulungan ang mga pamilyang Pilipino na apektado ng energy crisis dulot ng tensyon sa Middle East.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, bahagi ito ng whole-of-government approach na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis at iba pang gastusin.

Sa ilalim ng programa ng National Home Mortgage Finance Corporation o NHMFC, awtomatikong sakop ang mga kwalipikadong borrower mula May 1 hanggang July 31, 2026.

Tinatayang nasa 50,000 miyembro ang makikinabang sa pansamantalang suspensyon ng pagbabayad ng buwanang amortization.

Nilinaw din na walang ipapataw na penalty o karagdagang interes, at palalawigin ang loan term katumbas ng haba ng moratorium.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *