Niyanig ng Magnitude 6.0 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar, kaninag 02:09 ng hapon, ayon PHIVOLCS.
Ayon sa ahensiya, naitala ang episentro ng lindol sa layong 20km hilagang silangan ng bayan ng San Julian, at may lalim na 56 kilometro.
Tectonic in origin ang naturang lindol, na may mga sumusunod na intensity:
Intensity V sa- Tacloban City; Intensity III sa Casiguran at Juban sa Sorsogon; at Intensity II sa Tandag City Surigao del Sur.
Posible namang magdulot ng pinsala at aftershocks ang naturang pagyanig.
