Dalawang low pressure area (LPA) ang kasalukuyang mino-monitor ng PAGASA sa labas ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, ang LPA 05a na nasa silangan ng Northeastern Mindanao ay may mababang tsansang maging tropical depression sa loob ng 24 oras.
Samantala, ang LPA 05b na namataan sa 2,870 km East ng Northeastern Mindanao ay may “medium” potential na lumakas at maging ganap na bagyo sa susunod na 24 oras.
Dagdag pa ng ahensya, inaasahang isa hanggang dalawang tropical cyclone ang maaaring mabuo o pumasok sa PAR ngayong buwan ng Mayo.
Kung papasok sa bansa, ang mga ito ay tatawaging “Caloy” at “Domeng,” at posibleng makaapekto sa Eastern Visayas at ilang bahagi ng Luzon.
