Sen. Bato, nanatili sa Senado matapos ang tensyon —Abogado

Nanatili sa loob ng Senate premises si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa matapos ang napaulat na putukan sa loob ng gusali nitong Miyerkules ng gabi.

Makikita sa inilabas na larawan si Dela Rosa kasama ang kanyang abogado na si Atty. Israelito Torreon, bilang tugon umano sa mga kumakalat na haka-hakang ginagamit ang insidente bilang diversion tactic upang mailabas ang senador sa Senado.

Ayon kay Torreon, ibinahagi nila ang larawan upang pabulaanan ang mga ulat na palihim umanong inilabas si Dela Rosa sa gitna ng kaguluhan.

Kagabi, ilang putok ng baril ang napaulat na narinig sa ikalawang palapag ng Senado. Ayon naman kay DILG Sec. Jonvic Remulla, nagmula umano ang mga unang putok sa mga tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms ng Senado.

Nananatiling mainit ang usapin matapos kumpirmahin ng International Criminal Court ang arrest warrant laban kay Dela Rosa kaugnay ng alegasyong crimes against humanity na may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *