Dela Rosa may panawagan kay PBBM

Nakiusap si Sen. Ronald dela Rosa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na protektahan ang mga Pilipino laban sa umano’y extrajudicial rendition kaugnay ng mga kaso sa International Criminal Court.

Sa panayam sa Senado ngayong Martes, sinabi ni dela Rosa na moral at konstitusyonal na obligasyon ng Pangulo na tiyaking hindi basta dinadala sa ibang bansa ang mga Pilipino para litisin.

Iginiit din ng senador na gumagana ang justice system sa Pilipinas at hindi dapat umano manghimasok ang ICC sa hurisdiksyon ng bansa.

Si dela Rosa ay nahaharap sa ICC warrant kaugnay ng umano’y papel nito sa war on drugs campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong siya pa ang hepe ng Philippine National Police mula 2016 hanggang 2018.

Sinabi rin ng senador na handa siyang harapin ang anumang kaso basta ito ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng korte sa Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *