Sumukong suspek sa “gas and run” sa QC, kakasuhan pa rin

Sumuko na kagabi ang driver ng isang Toyota Vios na nakuhanan ng CCTV habang tumatakas sa isang gasolinahan sa Quezon City matapos magpakarga ng ₱1,500 na halaga ng gasolina.

Personal na nagtungo sa tanggapan ng Quezon City Police District ang driver tatlong araw matapos mangyari ang insidente.

Ayon kay PNP Spokesman, Brig. Gen. Randulf Tuaño, bagama’t humingi na ng paumanhin ang driver, desidido pa rin ang pumping attendant na magsampa ng kasong estafa laban dito.

Dagdag pa ng opisyal, nasangkot na rin umano ang driver sa isang kaso ng reckless driving noong nakaraang taon.

Dahil dito, sinabi ng QCPD na tutulong sila sa paghahain ng rekomendasyon sa Land Transportation Office para sa posibleng kanselasyon ng lisensya ng driver.

Paliwanag naman ng suspek, nakaligtaan lamang umano niyang magbayad dahil abala siya sa pakikipag-away sa kanyang misis habang nasa telepono habang nagpapakarga ng gasolina.

Aminado rin umano siyang natakot kaya hindi agad sumuko sa mga awtoridad hanggang sa matukoy ang lokasyon ng plaka ng ginamit na sasakyan sa Nueva Ecija.| via Allen Ibañez, D8TV Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *