12 bettors, wagi ng jackpot prizes ng PCSO Lotto draws

Umabot sa 12 bettor ang nanalo ng jackpot prizes sa iba’t ibang major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kahapon, Martes, May 5, 2026.

Sa Lotto 6/42, isang bettor mula sa Laguna ang tumama sa winning combination na 31-28-19-03-02-04 at napanalunan ang P10 million jackpot.

Sa Superlotto 6/49, isang mananaya mula Pampanga ang nakakuha ng tamang kombinasyon na 44-03-08-31-06-49 na may premyong P40,607,323.57.

Pinakamalaki ang napanalunan sa Ultra Lotto 6/58 na may P76,305,973.15 jackpot kung saan 10 bettor ang maghahati-hati matapos tamaan ang kombinasyon na 01-58-25-43-26-16.

Ang Lotto 6/42 ay dino-draw tuwing Martes, Huwebes, at Sabado; ang Superlotto 6/49 ay tuwing Martes, Huwebes, at Linggo; habang ang Ultra Lotto 6/58 ay tuwing Martes, Biyernes, at Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *