DOJ: Zaldy Co, hindi inaresto

Nilinaw ng Department of Justice o DOJ na hindi “inaresto” kundi pinigilan lamang ang kalayaan ng puganteng dating kongresistang si Zaldy Co sa Czech Republic.

Ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez, hindi akma ang terminong pag-aresto dahil wala umanong umiiral na arrest warrant laban kay Co sa nasabing bansa.

Ipinaliwanag ng DOJ na nasa kustodiya si Co dahil sa isyu sa kanyang travel documents at illegal entry, dahilan upang pigilan ng immigration authorities sa Czech Republic ang kanyang galaw.

Ayon sa DOJ, maitutulad ito sa isang pasaherong hinaharang sa paliparan dahil sa problema sa dokumento, may limitasyon sa kalayaan, ngunit hindi ito pormal na pag-aresto.

Samantala, sinabi ng Malacañang na walang kontradiksyon sa naunang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng DOJ hinggil sa kaso ni Co.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang delegasyon ng Pilipinas sa Czech authorities para talakayin ang posibleng pagpapauwi kay Co sa bansa, sa kabila ng kawalan ng extradition treaty sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic. | via Judea Bernardo, D8TV correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *