US Pres. Trump: ‘Shoot & Kill’sa mga bangkang naglalagay ng naval mines sa Strait of Hormuz

Naglabas ng matinding direktiba si U.S. President Donald Trump na paputukan at patayin ang anumang bangkang naglalagay umano ng naval mines sa Strait of Hormuz.

Sa kanyang social media post, inatasan ni Trump ang U.S. Navy na walang pag-aalinlangang aksyunan ang mga banta sa kritikal na rutang dinadaanan ng langis sa buong mundo.

Kasabay nito, pinalakas din ng Estados Unidos ang kanilang mine-clearing operations sa nasabing karagatan upang mapanatiling bukas ang daluyan ng mga barko.

Samantala, lalo pang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng U.S. at Iran matapos harangin ng American forces ang isang oil tanker na pinaghihinalaang sangkot sa smuggling ng Iranian oil. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *